Kasabay ng National Shelter Month, binuksan ng Department of Human Settlements and Urban Development o DHSUD ang bagong milestone sa Expanded Pambansang Pabahay para sa Pilipino o 4PH Program.
Kasunod ito ng isinagawang topping-off ceremony para sa Towers C at D ng 4PH Jab Residences sa Barangay Paliparan, Dasmariñas, Cavite na pinangunahan nina DHSUD Sec. Jose Ramon Aliling at Senior Usec. Eduardo Robles Jr.
Bahagi ang dalawang tore ng 17-tower 4PH Sampaloc III project na inaasahang magbibigay ng hindi bababa sa 3,000 condominium-type housing units.
Ayon kay DHSUD Sec. Aliling, ang development sa 4PH-Sampaloc III ay isang malinaw na patunay sa patuloy at mas mabilis na pag-usad ng programa sa pabahay.
“Sa bawat gusaling natatapos, mas inilalapit natin ang mga pamilya sa tahanang kanilang pinapangarap,” Secretary Aliling.
Inaasahan ding dadagdag ito sa 135,758 housing units na naihatid sa ilalim ng Expanded 4PH sa pamamagitan ng iba’t ibang housing modalities.
Ayon sa DHSUD, posible ring umabot sa humigit-kumulang 200,000 housing units ang maaaprubahan ngayong taon batay sa trend ng pag-isyu ng licenses to sell.
“Ngayon buwan, mas magiging makabuluhan ang pagdiriwang natin ng National Shelter Month dahil sa mga ganitong aktibidad ng DHSUD kasama ang ating mga key shelter agencies at mga private partners sa ilalim ng Expanded 4PH Program ng ating Pangulong Bongbong Marcos Jr.,”