Tamang paghahanda at hindi panic-buying o hoarding ng water supply ang solusyon, upang mapababa ang epekto ng Super El Niño sa Pilipinas.
Ito ang ipinunto ni Communications Undersecretary Claire Castro, kasunod ng mga napauulat na mayroong mga nagi-imbak ng galon at bote ng tubig, bilang paghahanda sa mantinding tagtuyot.
Sinabi ni Castro, hindi ganito ang tamang pamamaraan ng paghahanda, lalo’t ang hoarding ay maaari pang magdulot ng pagtaas ng presyo sa bottled water.
Hindi aniya ito advisable, lalo’t magdudulot lamang ito ng agam-agam sa publiko.
Bukod dito, wala rin naman impormasyon na makararanas ng kakulangan sa water supply ang bansa.
Kung nagawa aniya ng Pilipinas na malampasan ang El Niño noong nakaraang taon, magagawa ring itong malampasan ng bansa, ngayong taon.