Pinangunahan ni PCG Deputy Commandant for Operations Vice Admiral Edgar L. Ybañez ang pagbubukas ng ehersisyo sa PCG National Headquarters.
Tatagal hanggang October 2 ang mga aktibidad sa PCG headquarters at piling lugar sa City of Manila.
Kasama sa exercise ang tabletop at field training drills para subukan ang koordinasyon ng tatlong ahensya sa humanitarian assistance, search and rescue, retrieval operations, at emergency response.
Layon din nitong palakasin ang command and control, interoperability, at operational readiness ng PCG, AFP, at PNP sa pagtugon sa malakihang kalamidad. | ulat ni Lorenz Tanjoco