Ayon kay Clavano, partikular nilang nais makipag-partner sa LTO, LRA, at iba pang tanggapan na may listahan ng mga asset ng mga tao.
Paliwanag ni Clavano, layon nito na mapadali ang lifestyle check sa mga personalidad na posibleng sangkot sa anumang anomalya.
Umaasa rin si Clavano na mas maraming ahensya ng pamahalaan ang magbubukas ng kanilang datos sa Office of the Ombudsman bilang bahagi ng kultura ng transparency at accountability.
Madalas kasi aniya, kapag nangyari na ang korapsyon, doon pa lamang papasok ang Office of the Ombudsman.
Matatandaang una nang nakipagkasundo ang PS-DBM sa isang data-sharing agreement upang makita ng Ombudsman ang kinakailangang impormasyon pagdating sa procurement ng iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan. | ulat ni Lorenz Tanjoco