Pormal nang ipina-subpoena ng House Prosecution Panel sa Senate Impeachment Court ang pitong pangunahing bangko at pitong kumpanya na may kaugnayan kay Vice President Sara Duterte at sa asawa nitong si Atty. Manases Carpio.
Ang hakbang na ito ay bahagi ng paglalahad ng financial records sa nagpapatuloy na impeachment trial.
Nakatakdang humarap ang mga kinatawan mula sa Land Bank of the Philippines, BPI, BDO, Metrobank, PNB, PSBank, at Asia United Bank sa darating na Oktubre 6.
Kabilang dito ang mga insurance company gaya ng Prudential Life, Allianz, Manulife, FWD Life, BPI-AIA Life, BDO Securities, at BDO Life.
Ayon kay House Lead Prosecutor Gerville Luistro, ang mga testigo at mga kinatawan ay ihaharap nang sunod-sunod alinsunod sa mga inisyung subpoena request.