Nilinaw ng Cavite Police Provincial Office na walang katotohanan ang kumakalat na ulat sa social media tungkol sa umano’y mass shooting sa isang paaralan sa Dasmariñas City.
Ayon sa Pulisya, isinailalim sa beripikasyon at imbestigasyon ang nasabing impormasyon, at napag-alamang walang factual basis ang naturang ulat.
Samantala, hiwalay na insidente naman ang pagkakatuklas sa isang taong patay sa loob ng isang sasakyan sa De La Salle Medical and Health Sciences Institute. Nilinaw ng Pulisya na walang kaugnayan ang insidenteng ito sa kumakalat na alegasyon tungkol sa mass shooting.
Patuloy ang imbestigasyon sa kaso. Isinasagawa na ang forensic examination at autopsy, habang kinakausap din ng mga awtoridad ang mga posibleng saksi.
Muling nananawagan ang Pulisya sa publiko na manatiling kalmado at huwag magpakalat ng hindi beripikadong impormasyon.