Photo courtesy of Department of Public Works and Highways (DPWH)
Nagpasalamat si Naga City Mayor Leni Robredo sa mabilis na aksiyon at pagkilos ng National Government partikular ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pagsasaayos ng mga flood mitigation measure at ilan pang interbensiyon kontra-baha.
Ayon kay Robredo ramdam na ramdam sa siyudad ang mga kontra-baha measures dahil mas mabilis na ngayong bumababa ang tubig baha.
Naging malaking tulong din sa flood mitigation ang mga ibinigay na mobile pumps ng DPWH.
Sa ngayon, nakatutok na ang Naga sa pagsasagawa ng kontra-baha measures sa barangay level.
Malaking bahagi rin kasi ng nararanasang pagbaha ang maling pagtatapos ng basura na isa sa mga pangunahing dahilan ng pagkakaipon ng tubig.