NHA, target makumpleto ang relocation ng mga pamilya mula sa tunnel community sa Maynila bago mag-Pasko
Bago sumapit ang Pasko ay target ng National Housing Authority (NHA) na mai-relocate na sa Bulacan ang natitirang pamilya sa tunnel community sa Maynila.
Ayon kay NHA General Manager Joeben Tai, nasa mahigit 40 pamilya pa ang kinakailangang mai-relocate paalis sa tunnel community.
Sumampa naman sa 49 pamilya ang tuluyan nang nai-relocate sa San Ildefonso, Bulacan, nitong Miyerkules.
Tiniyak naman ng pamahalaan na may maayos na matitirhan ang mga ire-relocate na pamilya.
Dagdag pa ng NHA, na anim na buwan nilang pinaghandaan ang pagbibigay ng mga bagong housing unit.