Photo courtesy of DFA
Mas pinatibay pa ng Pilipinas at Panama ang ugnayan sa ginanap na unang Political Consultations ng dalawang bansa sa Panama City.
Sa pangunguna ni DFA Undersecretary for Policy Leo Herrera-Lim kasama sina Ambassador Arvin de Leon at Assistant Secretary Rhenita Rodriguez tinalakay Pilipinas sa Panama naging pangunahing pokus sa political consultation ay ang pagpapalakas ng kooperasyon sa larangan ng kalakalan, turismo, renewable energy, at partikular sa sektor ng maritime.
Bilang parehong sentro naman ng paglalayag at maritime hubs, tinalakay din ang mga stratehiya ng Panama sa malakas na global shipping at ang kahusayan ng Pilipinas sa pagbibigay ng mga kwalipikadong mga marino.
Napagkasunduan naman ang pagtutulungan sa pangangalaga sa kapakanan ng mga mandaragat at proteksyon sa kapaligiran ng karagatan.
Samantala, nag-turnover din ang Pilipinas ng donasyon sa UNICEF para sa mga proyekto sa mga kabataan sa El Salvador at Cuba nang bumisita ang DFA sa International Maritime University of Panama.
Binigyang-diin ng DFA na patuloy ang bansa sa pagtataguyod ng karapatan ng mga kabataan, bago ang nakatakdang pagho-host ng Pilipinas sa Second Global Ministerial Conference on Ending Violence Against Children ngayong Nobyembre.