Hindi dapat ipagsawalang bahala, lalo na kung mayroong ebidensya ang mga binitiwang pahayag ni dating Senator Trillanes, na umano’y nakatanggap ng pera si Vice President Sara Duterte mula sa Chinese government.
“Kung sapat ang ebidensya, hindi ito dapat isawalang bahala.” — Castro.
Ayon kay Communications Usec. Claire Castro, maituturing na pagtataksil sa bayan at mga Pilipino, lalo na kung public official ang involve sa mga ganitong aktibidad.
“Kaya pala tahimik sa mga karahasang natatanggap ng iba nating mangingisda sa kamay ng mga dayuhan at ang iba naman ay handang ipamigay ang parte ng ating teritoryo o karapatan sa WPS ay dahil natatapalan ng pera ang kanilang mga mata para talikuran ang pagmamahal sa sariling bayan at ibenta ang ating kalayaan.” — Castro.
Ayon kay Castro, ang Marcos administration, sa kasalukuyan ay hindi nanghuhusga sa sinoman, kailangan aniyang malaman muna ang katotohanan sa likod nito.
“Walang paghuhusga sa ngayon ang administrasyon ngunit dapat malaman ito ng mga kababayan natin kung may sapat naman na ebidensya.” —Castro.
Pagbibigay-diin ni Castro, ang mga kumukunsinte sa ganitong gawain ay dapat na managot sa mga Pilipino.
“Ang mga kumukunsinte sa ganitong gawain ay dapat na kalusin hindi bukas… kundi ngayon! Huwag natin hayaan ang ibang opisyal pa natin ang siyang dudurog sa sarili nating bansa. Gumising tayong lahat!” —Castro.