Photo courtesy of PRIB/Cesar Tomambo
Naniniwala si private prosecutor at veteran lawyer Lorna Kapunan na mas malayang maibabahagi ni dating Senador Antonio “Sonny” Trillanes IV ang kanyang mga saloobin at impormasyon sa labas ng korte.
Ito ay matapos pinal nang alisin ang dating senador sa listahan ng mga saksi sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Kapunan, dahil hindi na opisyal na saksi si Trillanes, hindi na rin siya saklaw ng mahigpit na sub judice rule sa ilalim ng Rule 18.
Ang naturang patakaran ay nagbabawal sa mga senator-judge, mga abugado ng prosekusyon, at depensa, sa akusado at maging sa mga opisyal na saksi sa pagtalakay o pagbibigay ng mga pahayag tungkol sa merito ng kasong nakabinbin sa hukuman.
Aniya, mas exciting ito dahil maaring itanong lahat sa dating mambabatas ang lahat.
Pasado alas-10 ng umaga ang inaasahang press conference ng dating senador kung saan ilalahad niya umano ang lahat ng kanyang patotoo sana sa impeachment court.