Naglaan ang Budget Amendments Review Subcommittee (BARSc) ng karagdagang ₱2.349 bilyon para sa ilang programa ng Department of Transportation (DOTr) na walang nakalaang pondo sa 2027 National Expenditure Program (NEP).
Kabilang dito ang ₱500 milyon para sa Service Contracting Program, na nagbibigay ng ayuda sa mga driver at operator sa gitna ng mataas at pabago-bagong presyo ng langis.
Naglaan din ang BARSc ng ₱1 bilyon para sa fuel subsidy ng transport sector, matapos maubos na ang nakaraang alokasyon dahil sa epekto ng krisis sa Middle East at pagtaas ng presyo ng petrolyo.
Samantala, ₱75 milyon naman ang inilaan para sa NCR Busway Project, na zero allocation din sa 2027 NEP.
Ayon sa BARSc, mahalaga ang tatlong programa dahil direktang nakatutulong ang mga ito sa mga commuter, driver, at transport operators.
Sinabi rin sa deliberasyon, na mas malaki ang orihinal na hiling ng DOTr ngunit nilimitahan ang inilaan dahil sa kakulangan ng fiscal space.