Darating sa Pilipinas si Polish President Karol Nawrocki sa October 5 hanggang 8, 2026 para sa isang state visit.
Ito ang kauna-unahang pagbisita ng isang Polish head of state sa Pilipinas.
Ang diplomatic relations ng dalawang bansa ay naitatag noong September 22, 1973.
Makikipagpulong ang lider kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang talakayin ang pagpapalakas ng defense and security, trade and investment, agriculture, science and technology, ICT, at turismo sa pagitan ng dalawang bansa.
Pag-uusapan din ng dalawang lider ang mga regional at international development.
Isasagawa ang state visit kasunod ng mga hakbang ng dalawang bansa upang palakasin pa ang kanilang defense ties, kabilang ang unang pulong ng Philippines-Poland Joint Defense Cooperation Committee sa Warsaw noong July at political consultations sa Manila nitong September.
Kung matatandaan, kabilang ang Poland sa mga bansang umanib ngayong taon sa ASEAN Treaty of Amity and Cooperation, kasabay ng Lithuania, Romania, at Sweden.