Muling magbubukas ang pagpaparehistro ng mga botante bilang paghahanda sa 2028 presidential elections.
Ayon sa COMELEC, bukod sa pagpaparehistro ng mga bagong botante, maaari ring magpa-update ng record, maglipat ng registration record, magpa-reactivate, magpalit ng pangalan, at magwasto ng maling detalye.
Kasama rin dito ang pagsasama o pagbabalik ng pangalan sa listahan ng mga botante.
Una nang sinabi ni COMELEC Chairperson George Erwin Garcia na inaasahang aabot sa tatlong milyon ang mga bagong botante para sa 2028 elections.
Dahil dito, tinatayang aabot sa 74 milyon ang kabuuang bilang ng mga botante sa nasabing halalan.
Bagama’t wala pang itinakdang eksaktong petsa ng pagsisimula, inaasahang tatagal ang voter registration hanggang July 30, 2027.