Mismong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mangunguna sa gagawing aksiyon ng gobyerno sa gitna ng inaasahang magiging epekto ng matinding tagtuyot na tatama sa bansa.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, ang Pangulo ang mag- iisyu ng instruction o anomang kautusan na may kinalaman sa hakbang ng pamahalaan sa harap ng nakaambang phenomena.
At kaugnay ng ginagawa nang paghahanda ukol dito ay sinabi ni Castro na may pagpupulong ng nagaganap sa hanay ng iba’t ibang ahensiya.
Kabilang dito ang Department of Science and Technology-Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (DOST- PAGASA), Department of Agriculture (DA), National Irrigation Administration (NIA), National Water Resources Board (NWRB), at Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Pagtiyak ni Castro na makakaasa ang publiko na gagawin ng gobyerno ang kanyang tungkulin habang hiningi din nito ang pakikiisa ng ating mga kababayan.