Nagpasalamat si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa ibinigay nitong extension sa kanyang appointment bilang kalihim.
Sa isang panayam, pabiro pang sinabi ni Dizon na ayos lang din naman sa kanya kung hindi na na-extend pa ang kanyang appointment.
Sa kabila nito binigyang-diin ni Dizon na isang malaking karangalan ang mabigyan ng tiwala ng Pangulo lalo na sa pangangasiwa sa isa sa key departments ng bansa.
Pagtitiyak ni Dizon na tuloy lang ang trabaho at pagsasakatuparan ng mga big tickets project ng pamahalaan sa sektor ng imprastraktura.
Hindi rin titigil ang kalihim na tugisin ang mga nasa likod nang anomalya sa government infrastructure projects habang siya ay nanunungkulan bilang hepe ng DPWH.