Prayoridad ngayon ng Department of Agriculture (DA) ang mapalawak ang food buffer ng bansa bilang paghahanda sa posibleng mas matinding El Niño, na maaaring magdulot ng pagbaba sa overall agricultural production.
Sa pagtaya ng DA, posibleng mabawasan ng nasa 700,000 metriko tonelada ang projected palay production dahil sa epekto ng tagtuyot.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., pinalalawak na ng pamahalaan ang rice storage capacity at nagbubukas ng karagdagang cold storage facilities para matugunan ang posibleng supply disruptions.
Sa kasalukuyan, umabot na sa 365 ang aktibong warehouses ng National Food Authority, matapos umupa ng karagdagang 165 pasilidad.
Samantala, may mga bagong cold storage facility din ang binubuksan ng DA para mapahaba ang shelf life ng mga agri products.
Nagsasagawa na rin ang DA ng cloud-seeding operations sa mga lugar na tinamaan ng tagtuyot, kabilang ang Isabela at Negros.