Screenshot
Bumuti na ang kalidad ng hangin sa Metro Manila ngayong Lunes ng umaga, batay sa monitoring ng Department of Environment and Natural Resources–Environmental Management Bureau (DENR-EMB).
As of 6 AM, nasa ‘Fair’ ang air quality index sa Las Piñas, Marikina, Muntinlupa, Parañaque, Pasay, Quezon City, San Juan, Taguig at Valenzuela.
Nasa ‘Good’ naman ang kalidad ng hangin sa Makati, Mandaluyong, Navotas at Pateros.
Matatandaang kahapon ay nakapagtala ng mas mababang air quality sa ilang lugar dahil sa haze.
Patuloy namang mino-monitor ng DENR-EMB ang sitwasyon, na posibleng may kaugnayan sa usok mula sa mga sunog sa Kalimantan, Indonesia na maaaring tinangay patungo sa Pilipinas.