Muling pinagtibay ng Philippine National Police (PNP) ang pangakong palakasin ang kanilang mga hakbang para sa community-based policing upang labanan ang krimen.
Ayon kay PNP Chief, PGen. Jose Melencio Nartatez Jr, kailangan ang whole-of-nation approach sa pagtugon sa kriminalidad, at mahalaga ang papel ang bawat sektor sa pagpapanatili ng ligtas ng mga komunidad.
Inihalimbawa ni Nartatez ang Cebu City Police Office dahil sa pagkakasa nito ng Cebu City One-ACT program kung saan, tulong-tulong ang mga habal-habal rider sa pag-uulat ng mga insidenteng maaaring mangailangan ng presensya ng pulisya.
Layunin ng inisyatibong ito na isulong ang pagiging mapagmatiyag at pagtutulungan ng mga residente at iba pang stakeholder, at mapahusay ang daloy ng impormasyon sa pagitan ng mga komunidad at law enforcement units.
Sinabi ni Nartatez, ipinapakita ng mga inisyatibang ito kung paano makatutulong ang mas matibay na ugnayan ng pulisya at mga sibilyan sa mga pagsisikap laban sa krimen.