Dalawang Memorandum of Understanding ang nilagdaan ng National Irrigation Administration (NIA) para palakasin ang climate-smart agriculture sa bansa sa harap ng banta ng ‘very strong’ El Niño.
Pinangunahan ni NIA Administrator Engr. Eddie Guillen ang paglagda sa mga kasunduan kabilang ang Clean Air Asia para bumuo ng mga hakbang na magpapababa sa short-lived climate pollutants mula sa rice production.
Nakipagkasundo rin ang NIA sa Creattura Co., Ltd. para sa pagpapatupad ng mga Alternate Wetting and Drying-based carbon credit projects sa mga irrigation system ng ahensya.
Saklaw nito ang limang pilot projects at mga naunang Alternate Wetting and Drying initiatives, na layong maisulong ang climate-smart rice production.
Ayon sa NIA, bahagi ito ng patuloy na pagsisikap na mapalakas ang food security kasabay paghahanda sa epekto ng El Niño.
📸 NIA
