Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na sapat ang kasalukuyang stock levels ng pangunahing food commodities sa gitna ng posibleng epekto ng El Niño.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel Jr., nasa mahigit 150 araw ang suplay ng pork products at gayundin ng manok sa bansa.
Nasa 75 araw din ang kasalukuyang stock level pagdating sa bigas.
Dahil dito, sinabi ng DA na handa ang bansa sa posibleng epekto ng El Niño pagdating sa supply ng bigas, baboy, at manok.
Una nang pinalakas ng DA ang paghahanda nito sa sektor kabilang ang ₱6.2 bilyong pondo para sa fuel assistance at iba pang tulong para masuportahan ang mga magsasaka, mangingisda, at mga agri trucker.