Nakipag-ugnayan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa San Miguel Corporation (SMC) para talakayin ang posibleng pakikipagtulungan sa larangan ng solid waste management at Waste-to-Energy (WTE).
Pinangunahan nina MMDA Chairman Atty. Don Artes at SMC Chairperson at CEO Ramon Ang ang naturang pulong kasama si MMDA Deputy Chairperson Undersecretary Frisco San Juan Jr.
Tinalakay sa pagpupulong ang mga posibleng hakbang kung paano mas mahusay na kokolektahin, ipoproseso, at pamamahalaan ang basura ng Metro Manila.
Kabilang na rin dito ang posibilidad na gawing enerhiya ang bahagi ng mga basurang hindi na maaaring i-recycle.
Nagpahayag ng interes sa proyekto si Ang, na maaaring pag-usapan sa mga susunod na pagpupulong bilang bahagi ng posibleng partnership para sa pagpapaunlad ng waste management at waste-to-energy facilities sa Metro Manila.
📸 MMDA

