Pormal nang nai-turn over ng Quezon City government ang mga bagong Basic Life Support (BLS) ambulance sa 47 na barangay sa lungsod.
Pinangunahan nina QC Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto ang ceremonial turnover ng mga ambulansya sa barangay officials.
Ayon sa QC LGU, fully equiped ang mga ambulansya ng medical equipment gaya ng Automated External Defibrillator (AED), oxygen system, medical kits, at stretcher para sa agarang pagtugon sa mga emergency.
Bahagi ito ng patuloy na pagpapalakas ng local healthcare at emergency response para mas mapalapit sa mga komunidad ang agarang serbisyong medikal at lifesaving assistance.
📸 QC LGU

