Ikinokonsidera ng Department of Agriculture sa TUPAD Program ang mga magsasaka at mangingisda na hindi makakapag-ani sa kasagsagan ng very strong El Niño.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gumawa ng work plan para sa kanila.
Kabilang sa plano ang mga alternatibong gawain, tulad ng paggawa ng kanal at paghahanda ng sakahan para sa susunod na planting season.
Ang TUPAD program ay nagbibigay ng pansamantalang trabaho at emergency employment para sa mga manggagawa na nawalan ng kabuhayan, kulang ang kinikita o naaapektuhan ng mga kalamidad.