Umakyat na sa 106 na mga lungsod at bayan sa bansa ang nagdeklara na ng State of Calamity dahil sa epekto ng El Niño.
Batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), pinakamarami sa mga ito ay buhat sa lalawigan ng Cagayan Valley na may 66.
Sinundan naman ito ng CARAGA na may 23, Bicol na may 12, CALABARZON na may apat (4) habang isa naman sa SOCCSKSARGEN region.
Sa ilalim ng State of Calamity, magagamit na ng mga apektadong LGU ang kanilang Quick Response Fund para sa mabilis na relief operations.
Nabatid na sa pagtaya ng PAGASA, inaasahang titindi pa ang hagupit ng El Niño at tatagal hanggang sa kalagitnaan ng susunod na taon.