Photo courtesy of Department of National Defense
Sinalubong ng Department of National Defense (DND) ang German business delegation na bumisita sa kanilang tanggapan.
Napag-usapan na gumaganda ang ugnayan ng Pilipinas at Germany sa larangan ng depensa mula nang lagdaan ang kasunduan sa defense cooperation noong 2025.
Dahil dito, palalakas pa lalo ang ugnayan ng dalawang bansa, lalo na ang pagtugon sa nagbabagong sitwasyon sa seguridad.
Nanguna sa delegasyon si Ann Hake, Policy Officer sa German Federal Ministry for Economic Affairs and Energy o BMWE, kasama ang Ambassador ng Germany sa Pilipinas.
Nagkaroon din ng ugnayan ang BWME at DND para malaman ng German defense companies kung paano nila matutulungan ang Pilipinas sa pagpapalakas ng depensa.
Patuloy namang palalakasin ng DND ang ugnayan sa ibang bansa at pauunlarin pa ang sariling defense industry para sa modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines.