Itinutulak ng Makabayan bloc na imbestigahan ang epekto ng tinatawag na “Super El Niño” sa kabuhayan ng mga magsasaka at mangingisda, food security, at kalusugan at kaligtasan ng mga manggagawa.
Sa House Resolution No. 1496 na inihain nina Gabriela Women’s Party Rep. Sarah Jane Elago, Kabataan Party-list Rep. Renee Louise Co at ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio, hinikayat amg committees on Agriculture and Food, Aquaculture and Fisheries Resources, at Labor and Employment na magsagawa ng pagsisiyasat para makapaglatag ng mga kinakailangang hakbang at batas.
Tinuko sa resolusyon, ang babala ng PAGASA na maaaring tumagal ang El Niño hanggang Marso o posibleng Hunyo, habang tinatayang aabot sa 40 lalawigan ang makararanas ng kakulangan sa ulan at maaaring umabot sa 80 lalawigan pagsapit ng Enero.
Ayon naman sa Department of Agriculture, hanggang Setyembre 26, 2026, apektado na ng El Niño ang 14 sa 18 rehiyon ng bansa, na nagresulta sa tinatayang ₱6.87 bilyong pinsala sa agrikultura at nakaapekto sa 223,214 magsasaka.
Bukod sa sektor ng agrikultura, binigyang-diin din sa resolusyon ang panganib ng matinding init sa mga mangingisda at outdoor workers, kabilang ang heat exhaustion at heatstroke, gayundin ang mas seryosong epekto sa kalusugan kapag matagal na nalalantad sa extreme heat.
Pinasusuri din ang mga kasalukuyang hakbang ng gobyerno para sa relief, mitigation at long-term solutions upang maprotektahan ang kabuhayan ng mga apektadong sektor at matiyak ang food security sa gitna ng lumalalang epekto ng El Niño.