Itinutulak ni Senate President Sherwin Gatchalian ang pagpapataas ng budget ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para matiyak ang tuloy-tuloy na modernisasyon, kahandaan at pagpapalakas ng kakayahan ng militar sa gitna ng pabago-bagong geopolitical situation sa mundo.
Binigyang diin ni Gatchalian na mahalagang mapanatili ang sapat at tuloy-tuloy na suporta sa ating sandatahang lakas, lalo na sa harap ng mga umiiral na sigalot sa Middle East at Eastern Europe.
Sa naging pagdinig ng Senado ng panukalang budget ng Department of National Defense (DND) at mga attached agency nito, binigyang-diin ng senate president ang pangangailangang palakasin ang kakayahan ng AFP sa cyber warfare o pakikidigma sa cyberspace.
Aniya, hindi na lang theoretical na banta ang cyber warfare kundi isa nang aktuwal na hamon sa makabagong depensa.
Kaya naman dapat pondohan ang pagpapahusay sa cyber defense capability ng ating militar.
Dinagdag rin ni Gatchalian na kailangang dagdagan ang suporta para sa search and rescue operations ng AFP tuwing may kalamidad.
Binigyang-diin ng Senate President na hindi lamang pagtatanggol sa bansa ang tungkulin ng militar, kundi maging ang pagtugon sa mga sakuna, gaya ng malalakas na bagyo at iba pang kalamidad na tumatama sa Pilipinas. | ulat ni Nimfa Asuncion