Photo courtesy of Darrel Gultia / DA Press Office
Nakikipag-ugnayan ngayon ang Toll Regulatory Board sa toll operators para sa posibleng pagpapatupad ng toll holiday o discount sa mga agricultural delivery truck hanggang December 31, 2026.
Bahagi ito ng pagsisikap ng gobyerno para makatulong na maibsan ang epekto ng mataas na presyo ng langis at epekto ng very strong El Niño sa sektor ng agrikultura.
Ayon kay Agriculture Undersecretary Arrey Perez, inaasahan ng DA na magkakaroon ng kasunduan ngayong buwan para agad maipatupad ang panukalang toll relief.
Bukod sa inaayos na toll holiday o discount, may ipagkakaloob na one-time P5,000 fuel subsidy sa mga magsasaka at mangingisda habang P2,000/weekly para sa mga driver ng agricultural delivery trucks.