Photo courtesy of Philippine Red Cross (PRC)
Nagbabala ang Philippine Red Cross (PRC) hinggil sa posibleng epekto sa kalusugan ng paghagupit ng very strong El Niño sa bansa.
Ayon sa Red Cross, mahalagang malaman kung ang nararanasan ay Heat Exhaustion o Heat Stroke.
Kapag Heat Exhaustion, madalas maranasan ang matinding pagpapawis, panghihina, pagkahilo, sakit ng ulo, pagduduwal at matinding pagka-uhaw.
Habang Heat Stroke na ang nararanasan kapag nakararanas ng pagkalito o pagbabago ng mental state, pagkawala ng malay, mainit at tuyong balat o labis na pagpapawis at may napakataas na temperatura sa katawan.
Kaya payo ng PRC sa matinding init, uminom ng maraming tubig, iwasan ang matagal na pagbibilad sa araw, at bantayan ang mga bata, nakatatanda, at outdoor workers
Iginiit ng Red Cross, isang medical emergency ang heat stroke kaya dapat tumawag agad ng tulong sa 143, at palamigin ang tao habang hinihintay ang responders.