Pinangunahan ni Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III ang pamamahagi ng nasa 12,000 titulo ng lupa sa mga benepisyaryo ng agrarian reform sa Western Visayas.
Personal na nagtungo ang kalihim sa Iloilo National High School para pangunahan ang ceremonial distribution ng Certificates of Land Ownership Award o CLOA at electronic titles o e-Titles sa mga benepisyaryo mula sa Panay at Guimaras.
Ayon sa Department of Agrarian Reform Western Visayas, nasa 11,965 e-Titles ang ipinamahagi sa 10,998 agrarian reform beneficiaries, na sumasaklaw sa halos 18,600 ektarya ng lupa sa buong rehiyon.
Bukod dito, 166 CLOA na sumasaklaw sa 210 ektarya ang ipinamahagi naman sa 107 benepisyaryo sa ilalim ng Newlands initiative.
Matapos ang ceremonial distribution, pinangunahan din ni Secretary Estrella ang panunumpa ng mahigit 700 chairperson ng Barangay Agrarian Reform Committee o BARC sa Western Visayas.
Inaasahang makatutulong ang mga BARC chairperson sa DAR sa pagpapatupad ng mga programa nito at sa pagresolba ng mga maliliit na usaping may kaugnayan sa agrarian reform sa kani-kanilang barangay. | via JP Hervas | RP Iloilo