Mag-iikot ang eGovPH team sa iba’t ibang lugar sa bansa ngayong Oktubre para mas mailapit sa mga komunidad ang eGovPH App at iba’t ibang digital government services.
Ayon sa Department of Information and Communications Technology (DICT), layon ng caravan na magbigay ng impormasyon at gabay tungkol sa mga feature ng app at kung paano ito magagamit para mas madaling ma-access ang mga serbisyo ng gobyerno gamit ang cellphone.
Ngayong araw, October 7, kabilang sa mga pupuntahan ng eGovPH Caravan ang Tibanga Gymnasium sa Iligan City para sa Region 10, Mandurriao sa Iloilo City para sa Region 6, at Bauang North Central School sa La Union para sa Region 1.
Hinikayat ang publiko na bisitahin ang caravan, magtanong at alamin kung paano magagamit ang eGovPH App para mas mapadali ang pag-access sa mga serbisyo ng gobyerno.