RTVM screengrab
Inaasahang magiging importanteng usapin ang nuclear energy sa gagawing pagbisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Singapore Nuclear Research and Safety Institute.
Ang gagawing pagbisita ng Punong Ehekutibo sa research institute ay bahagi ng magiging aktibidad nito kaugnay ng working visit nito sa Singapore.
Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na magiging mahalagang topic ang nuclear energy lalo’t lumalaki ang pangangailangan ng Pilipinas sa enerhiya.
Dulot na din ito ng mga industriyang nangangailangan din ng malaking capacity ng energy supply gaya ng AI at data centers.
Sinasabing maraming makukuhang kaalaman sa Singapore sa larangan ng nuclear research, safety, regulation, at capability-building.