Positibo ang pamahalaan sa malaking oportunidad sa pagitan ng Pilipinas at Singapore upang lalo pang mapalakas ang kanilang trade at supply chain links.
Sa katunayan ay sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesperson Assistant Secretary Analyn Ratonel na nitong unang bahagi ng 2026 ay nagmula sa Singapore ang pinakamalaking foreign investment commitments na inaprubahan ng Philippine Board of Investments.
Ito aniya ay umabot sa halagang ₱3.15 bilyong.
Sinabi ni Ratonel, na bagamat masasabing malalim na ang economic partnership ng Pilipinas sa Singapore ay nais pa rin ng bansa na maging strategic economic partnership ang mamagitan sa dalawang bansa.
Nais aniya nating makakonekta sa technology at expertise ng Singapore sa lumalaking merkado, workforce, infrastructure needs, at investment opportunities sa Pilipinas.