Mga apektdo ng Very Strong El Niño sa bansa, pumalo na sa 338,000 ―NDRRMC
Patuloy na nadaragdagan ang bilang ng mga apektado ng Very Strong El Niño ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Batay sa datos, sumampa na sa mahigit 104,000 na pamilya o katumbas ng mahigit 388,000 na indibidwal ang apektado ng naturang weather phenomenon.
Pinakamaraming apektado ay galing sa rehiyon ng Cagayan Valley, sinundan ng CARAGA, CALABARZON at Bicol.
Samantala, umabot naman na sa ₱38 Million ang halaga ng mga tulong na naipaabot na sa mga apektadong pamilya.
Habang nananatili naman sa 106 ang mga lugar na isinailalim na sa state of calamity.