Photo courtesy of Department of National Defense (DND)
Nilinaw ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na walang kinalaman sa peace process at katatapos lamang na BARMM elections ang insidente ng pananambang o ambush sa Tipo-Tipo, Basilan nitong Lunes, October 5, kung saan 13 sundalo ang nasugatan.
Ayon kay Teodoro, naghiganti ang grupo sa ilalim ni Saddam Sidick na sangkot umano sa ilegal na droga, kung saan nasawi ang asawa nito sa isa sa mga operasyon ng mga awtoridad.
Giit ng kalihim na maituturing na itong salot sa komunidad lalo’t konektado ito sa operasyon ng iligal na droga.
Samantala, binisita rin ni Sec. Teodoro ang ilan sa mga sundalong patuloy na nagpapagaling sa Camp Navarro General Hospital sa Zamboanga City nitong Martes, at ginawaran ng wounded personnel medal.