Magiging available para sa lahat ang benteng bigas o ₱20 rice sa KADIWA ng Pangulo Expo 2026 na gaganapin sa World Trade Center sa Pasay City simula ngayong araw, October 8-10.
Ayon sa Department of Agriculture, maaaring bumili ng ₱20 rice ang lahat, benepisyaryo man o hindi, basta magpakita ng isang valid ID o anumang dokumentong magpapatunay ng pagkakakilanlan.
Limitado naman sa 10 kilo ng bigas kada tao bawat araw ang maaaring bilhin.
Maaari namang muling bumili ng hanggang 10 kilo sa mga susunod na araw habang nagpapatuloy ang Expo.
Nilinaw ng DA na ang pagbebenta ng ₱20 rice para sa lahat ay eksklusibo lamang sa panahon ng KADIWA ng Pangulo Expo 2026.