Nagsimula nang mamahagi ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office-NCR sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog sa Waling-Waling, Quezon City.
Nitong Miyerkules, October 7, naghatid ang DSWD ng 1,000 Ready-to-Eat Food Boxes (RTEFs) at Non-Food Items, kabilang ang 200 sleeping kits at 200 hygiene kits.
Patuloy naman ang validation at assessment ng Quezon City Government para matukoy ang kabuuang bilang ng mga pamilyang at indibidwal na naapektuhan ng insidente.
Nakikipag-ugnayan din ang DSWD Field Office-NCR sa lokal na pamahalaan para matukoy ang iba pang pangangailangan at makapagbigay ng karagdagang suporta sa mga apektadong pamilya.
📸 DSWD

