Naglabas ng pampublikong paalala ang Department of Health (DOH) ukol sa kahalagahan ng pagsubaybay sa kalidad ng hangin gamit ang opisyal na Air Quality Index (AQI) guide. Layunin nitong gabayan ang mamamayan kung anong mga hakbang at pag-iingat ang dapat sundin batay sa antas ng polusyon sa paligid.

Nahahati sa anim na kategorya ang gabay ng DOH upang madaling matukoy ang kalidad ng hangin at ang nararapat na aksyon:
- Good (Luntian/Green): Ligtas at malinis ang hangin; tuloy ang karaniwang gawain sa labas.
- Fair (Dilaw/Yellow): Katamtaman ang kalidad ng hangin at maaari pa ring magpatuloy sa mga gawain habang nakatutok sa mga opisyal na abiso.
- Unhealthy for Sensitive Groups (Khel/Orange): Pinapayuhan ang mga bata, matatanda, buntis, at mga may sakit sa baga o puso na iwasan ang matagal o nakakapagod na gawain sa labas.
- Very Unhealthy (Pula/Red): Inirerekomendang manatili sa loob ng bahay ang mga may karamdaman sa baga at puso, at iwasan ang hindi kinakailangang paglabas.
- Acutely Unhealthy (Ube/Purple): Dapat limitahan ng lahat ang matinding aktibidad sa labas, habang ang mga vulnerable groups (bata, matanda, at buntis) ay dapat manatili sa loob.
- Emergency (Maitim na Pula/Maroon): Babala para sa lahat na manatili sa loob ng bahay at isara ang mga pinto at bintana upang maiwasang pumasok ang maruming hangin.
- Binigyang-diin ng kagawaran na ang pagsubaybay sa AQI ay mahalaga upang maiwasan ang mga sakit sa respiratory at cardiovascular system na dulot ng maruming hangin.
Sakaling magkaroon ng emergency kaugnay ng kalusugan, pinaalalahanan ng DOH ang publiko na tumawag agad sa National Emergency Hotline 911 o makipag-ugnayan sa kanilang Local Emergency Hotlines. Maaari ring bisitahin ang opisyal na websites at social media channels ng DOH (@DOHgovph at @doh.philippines) para sa mga pinakabagong ulat at pampublikong abiso.