Dagsa na ang mga aplikante sa pagbubukas ng Mega Job Fair ng Malabon City Government sa Malabon CitiSquare ngayong Huwebes, October 8.
Katuwang dito ng Malabon PESO ang Office of Senate President Win Gatchalian at Department of Labor and Employment o DOLE.
Ayon sa Malabon PESO, nasa 30 local at overseas employers ang kalahok dito na nag-aalok ng 5,100 trabaho.
Kabilang rito ang merchandisers, drivers, air-conditioning technicians, linemen, finance and accounting associates, site engineers, graphic designers, marketing staff at iba pa.
May One-Stop Shop din sa venue para mailapit sa mga jobseeker ang iba’t ibang government services nang hindi na kailangang pumunta sa magkakahiwalay na tanggapan.
Ayon kay Mayor Jeannie Sandoval, bahagi ito ng patuloy na programa ng lungsod sa ilalim ng Lucky 9-Point Agenda, partikular ang layuning magbukas ng mas maraming oportunidad sa trabaho, kabuhayan at ekonomiya para sa mga residente.