Nagpaalala ang PhilHealth sa mga solo parent na i-update ang kanilang record para pakinabangan ang benepisyo ng ahensya.
Simula kasi ngayong Oktubre, wala ng babayarang PhilHealth contribution ang voluntary member na solo parent habang gobyerno na ang sasagot ng employee share ng employed solo parent at magpapatuloy ang pagre-remit ng employer share.
Sa programang BANGON, BAYANG MAHAL, sinabi ni PhilHealth Corporate Communication Department Acting Senior Manager Christine Mae Magno na maaaring gawin online ang pag-update sa record ng voluntary member solo parent habang ang mga kwalipikado ay hinihimok na makipag-ugnayan sa kanilang employer.
Pangunahing requirement sa benepisyo ang valid Solo Parent Identification Card.