Doble-kayod na ang Department of Health (DOH) upang mapalakas ang kampanya laban sa banta ng “very strong” El Niño sa kalusugan base na rin sa atas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Sinabi ni DOH Secretary Edwin Mercado, na nais ng Pangulo na hindi lamang sa posters at mga online ibabahagi ng DOH ang magiging masamang epekto ng “very strong El Niño”.
Kung maaari aniya na magtungo sa bawat mga barangay o komunidad para maibahagi kung ano ang dapat gawin para maiwasan ang pagkakaroon ng sakit dahil sa sobrang init ng panahon.
Ibinahagi na rin ni Mercado sa kanilang regional DOH offices ang nasabing mensahe para magkaroon ng pagbabahay-bahay ang mga ito.
Inihahanda na rin ng DOH ang suplay ng mga gamot para sa mga heat-related illnesses na maaaring sumipa ang bilang sa pagtindi ng epekto ng El Nino.