Hindi nawawalan ng pag-asa ang isang ekonomista na makababawi pa ang ekonomiya ng bansa sa huling quarter ng taon.
Sa panayam ng Radyo Pilipinas World Service kay Economist at Reyes Tacandong and Company Senior Advisor Jonathan Ravelas, sinabi nitong magiging economic catalyst ang holiday season para makabawi ang bansa.
Malaking bagay kasi ang magiging paggasta ng mga tao para mapaganda ang daloy ng economic flow ng bansa.
Susi rin sa inaasam na pagbawi ang catch-up spending ng pamahalaan na tinututukan na ngayon ng Administrasyong Marcos.
Maka-aambag din sa mas magandang GDP forecast sa huling quarter ng 2026 ang mga posibleng investment na makukuha ng bansa sa gaganaping ASEAN Summit sa Nobyembre at ang hinihintay na balita patungko sa Pax Silica investment.
Sa ngayon, nasa 1.8 to 2 percent GDP growth sa 2026 ang nakikita ni Ravelas ngunit posible pa rin naman itong mabago.
Umaasa naman ang mga ekonomista na sa pagsapit ng 2027 ay muling maibalik ang 3.5% hanggang 4% na GDP growth o di kaya’y mahigitan pa.