Photo courtesy of PNP
Pinalakas ng Philippine National Police (PNP) ang pakikipag-ugnayan nito sa Japan at South Korea upang pahusayin ang kanilang mga hakbang laban sa mga transnational crime, mga dayuhang pugante, at iba pang banta.
Ayon kay PNP Chief, PGen. Jose Melencio C. Nartatez, Jr., layunin nito na gawing mas mabilis at epektibo ang ugnayan sa mga aktuwal na operasyon, pagpapalitan ng intelligence information at pagtunton sa mga pugante.

Ginawa ng PNP Chief ang pahayag kasunod ng mga naging pagbisita nila Ohama Takeshi, Director General ng Organized Crime Department ng National Police Agency ng Japan at Lee Han II, Minister at Consul General ng Embahada ng Korea sa Pilipinas
Binigyang diin ni Nartatez, higit na kinakailangan ang pakikipagtulungan sa Tokyo at Seoul dahil lalong lumalawak sa iba’t ibang hurisdiksyon ang mga kriminal na aktibidad