Maagang dumating at naghanda ang daan-daang pwersa ng National Capital Region Police Office SA paligid ng Senado sa Diokno Boulevard sa Pasay City.
Ito para tiyakin ang seguridad sa lugar ngayong inaasahan ang isang kilos-protesta kasabay ng ika-37 araw ng Impeachment Trial ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Lt. Col. Hazel Asilo, tagapagsalita ng NCRPO, 350 PUlis ang inisyal na nakadeploy sa labas ng senado pero posible pa ito madagdagan depende sa sitwasyon.
Nilinaw naman ni Asilo na bagamat hindi pipigilan ang kilos-protesta ng anumang grupo, papayagan lamang ito sa bahagi ng Diokno Boulevard at Hindi Pahihintulutan sa mismong harap o gate ng Senado
Sa ngayon naka-formation na ang pulisya at inihahanda na rin ang mga barrier at barbwire.
Habang Dumating na rin ang isang truck na gagamiting entablado ng mga raliyista na may nakasulat na “Imepeach Sara Now”