Inaasahan na ang mas mababang presyo ng kuryente sa Visayas at Mindanao bunsod ng ipinatupad na secondary price cap ng Energy Regulatory Commission (ERC).
Ayon kay ERC Legal Service Director, Atty. Maria Corazon Gines, automatic ang pagpapatupad ng ₱7,423 per megawatt hour na secondary price cap oras na umabot sa mahigit ₱12,413 per megawatt hour ang cumulative price tariff sa loob ng tatlong araw.
Layunin ng nasabing price cap na maprotektahan ang mga consumer sa pagsipa ng presyo ng kuryente kapag kapos ang suplay nito.
Dagdag pa ni Gines na mararamdaman ang pagbaba ng presyo sa blended rate na labis namang makatutulong sa mga consumer.