Iginiit ng Department of Agriculture (DA) na hindi napuputol ang pagtulong nila sa mga magsasaka at sa kinakarga nitong mataas na production cost bunsod na rin ng mataas na presyo ng langis at iba pang inflationary factors.
Ayon kay Agriculture Undersecretary Asis Perez, naglaan na ang DA ng aabot sa ₱6.5 billion na dagdag-puhunan sa mga magsasaka upang balikatin ang ilan sa mga pangangailangan ng mga magsasaka upang makapagtanim.
Sa tulong kasi nito ay hindi napuputol ang produksiyon ng mga magsasaka lalo na sa palay at agad din itong napo-proseso bago pa tumama ng husto ang El Niño.
Isa rin itong pamamaraan ayon kay Perez upang mapataas pa ng mga magsasaka ang produksiyon.
Aminado ang DA na nagkaroon talaga ng pagtaas sa presyo ng mga bilihin partikular ang bigas, ngunit itinuturing nila itong price correction upang hindi rin naman malugi ang mga magsasaka.