Maraming benepisyong kaalaman ang maaring maging resulta ng pagtungo ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Singapore Nuclear Research Institute.
Ito ang naging tugon ni Atty. Jay Layug, Executive Board Member ng Philippine Energy Research and Policy Institute sa panayam ng Radyo Pilipinas World Service.
Kabilang sa kaalaman at teknolohiyang ito ani Atty. Layug ang Small Modular Reactors o SMRs ma mas mapapakubangan sa Pilipinas bilang isang arkipelagong bansa.
Mas madaling itayo ang mga SMRs kung ikukumpara sa isang Nuclear Plant tulad ng Bataan at madali itong ilagay sa mga Isla sa Pilipinas na nangangailangan ng serbisyo at benepisyo ng kuryente.
Bilang bahagi ng kanyag State Visit sa Singapore, nagtungo ang Pangulong Marcos nitong Sabado sa Singapore Nuclear Research and Safety Institute upang mapalawaka ang kaalaman at kakayanan ng Pilipinas para.sa sustainable supply ng enerhiya.