Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., pinulong ng Office of the Executive Secretary ang iba’t ibang tanggapan ng gobyerno, upang siguruhin ang mas mabilis na paggastos at pagbababa ng mga kinakailangang suporta bilang paghahanda sa El Niño.
Ayon kay Executive Secretary Ralph Recto, dapat i-maximize ng mga tanggapan ng gobyerno ang 4th quarter ng 2026 upang mapa-igting ang mga paghahanda ng gobyerno.
“We have one more quarter to improve spending for the year. Let’s get our acts together in the fourth quarter. Spend and start doing early procurement, especially on programs that would strengthen our response against El Niño. This way, we can fully catch up in the first quarter of next year,” —ES Recto.
Kasunod ng paglago ng government disbursements sa 7.5% sa unang tatlong quarter ng 2026, hinikayat ni Recto ang government offices na i-sustain ang momentum, at i-maximize ang huling bahagi ng taon para sa pagpapabilis ng mga proyekto at assistance programs na
handa na para sa implementasyon.
Ang mga priority programs na ito, kinabibilangan ng programa para sa education, kalusugan, infrastructure at transport procurement, cash assistance, employment support, at iba pang intervention na layong umalalay sa mga magsasaka at mangingisda bilang paghahanda sa El Niño. Kabilang rin dito ang solar-powered seed cold storage at irrigation systems. | ulat Racquel Bayan