Tiniyak ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang livelihood assistance sa mga mangingisda na maaapektuhan ng tatlong buwan na closed fishing season ng galunggong sa Northern Palawan.
Magsisimula ang closed fishing season para sa commercial fishing operations mula November 1, 2026 at tatagal hanggang January 3, 2027.
Sa panayam ng USAPANG AGRIKULTURA, sinabi ni BFAR-Mimaropa Regional Director Roberto Abrera na nakikipag-ugnayan din sila sa iba pang ahensya ng gobyerno para matulungan ang mga maaapektuhang mangingisda habang umiiral ang fishing ban.